Lahat ng balita ngayon ay puro sa kampanya ng iba't ibang kandidato sa iba't ibang posisyon.Karamihan sa kanila ay halos pare pareho ang sinasabi,tungkol sa pagbabago at magandang kinabukasan,pagkakaroon ng magandang ekonomiya at kapayapaan,Ang tanong,maging makatotohanan naman kaya ang kanilang pangako sakaling maupo sila sa posisyon?
Sila nga ba ang magbibigay ng pagbabago sa ating buhay?
Sila nga ba kaya ang magbibigay ng katuparan ng ating mga pangarap na mabigyan ng magnadang buhay ang ating pamilya?
Sa opinyon ko po ay ang mga mamumuno sa ating bansa ay sila lamang ang magpapatupad ng batas para sa katahimikan,kapayapaan at sa pagbibigay daan sa magandang ekonomiya.Ngunit sa ating kamay pa rin nakakasalalay ang magiging kinabukasan ng ating pamilya.Tayo pa rin ang gagawa ng aksyon upang makamit ang ating mga pangarap.
Ang lahat po na ito ay opinyon ko lamang batay sa mga nakikita at nararanasan nating kahirapan sa panahon ngayon.
Kung tayo ang gagawa ng ating kapalaran,anong hakbang ang una nating gagawin para isakatuparan ang ating mga pangarap.
Your Friend to success
Buddy Nogra
Add me on facebook>>www.facebook.com/buddy.nogra
No comments:
Post a Comment